^

Probinsiya

2 truck nagsalpukan: 2 patay, 4 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 truck nagsalpukan: 2 patay, 4 pa sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Roberto Labjata, driver ng Fuso tractor at sakay nitong si Veronica Labjata; pawang dead-on-the-spot habang ang helper na si Christian Garcia ay isinugod naman sa Bethel Baptist Hospital para malapatan ng lunas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang apat pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang truck sa bayan ng Sumilao, Bukidnon nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roberto Labjata, driver ng Fuso tractor at sakay nitong si Veronica Labjata; pawang dead-on-the-spot habang ang helper na si Christian Garcia ay isinugod naman sa Bethel Baptist Hospital para malapatan ng lunas.

Sugatan ding dinala sa Bukidnon Provincial Medical Center sa Malaybalay City ang driver ng Isuzu wing van na si Ralph John Diama at dalawa nitong sakay na sina Felix Diama at Vi­vian Diama.

Batay sa report ni Police Regional Office (PRO) 10 director P/Chief Supt. Benjamin Acorda Jr., nangyari ang insidente bandang alas–3 ng hapon sa kahabaan ng Sayre Highway sa Sitio Damay, San Vicente ng naturang bayan.

Kasalukuyang buma­bagtas sa nasabing highway ang puting Isuzu Wing van truck (MAA 9971) na minamaneho ni Ralph Diama nang makabanggaan ang asul na Fuso tractor head truck (AVA 4809) na minamaneho ni Roberto Labjata ng Nabunturan, Davao de Oro nang mangyari ang trahedya sa nabanggit na lugar.

Ang Isuzu wing van truck ay pag-aari ni Vi­vian Diama ng Poblacion, Tupi, Cotabato habang ang Fuso tractor head truck ay nakarehistro naman kay Cecilia Onate ng Rhoanjay Trucking Services .

Ayon sa mga imbestigador ang Isuzu wing van ay may mga kargang scrap iron ay patungong Valencia City, Bukidnon habang ang tractor na may kargang tricab units ay patungo sa Cagayan de Oro City.

Sa pahayag ng mga testigo, masyado uma­nong mabilis ang takbo ng Isuzu wing van na habang bumabagtas sa pakurbadang kalsada kaya hindi nagawang magpreno ng driver dahil sa mabigat umano nitong kargamento na nakabanggaan ang tractor head na ikinasawi ng dalawa katao.

Sinabi ni Ralph John Diama na nagloko umano ang preno ng Isuzu wing van kung saan habang nagmamaniobra siya sa kabilang linya sa bulubunduking bahagi ng highway ay bigla namang sumulpot ang tractor head truck na nagresulta sa banggaan.

vuukle comment

PATAY

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with