^

Probinsiya

Dengue cases sa Bulacan tumaas, fogging pinaigting

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Dengue cases sa Bulacan tumaas, fogging pinaigting
An aedes aegypti mosquito that carryies the dengue virus is photographed at a laboratory of the National Center for the Control of Tropical Diseases (CENCET) in Santo Domingo on July 9, 2019.
AFP / Erika Santelices

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue lalo sa panahon ng tag-ulan, ipinag-utos ni Gob. Daniel Fernando ang agaran at pinaigting na mga hakbang sa pag-iwas laban sa dengue sa lalawigan.

 Sa isang online meeting na tinawag na “Collaborative Efforts for the Dengue and Prevention Control” na pinangunahan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) kahapon, sinabi ni Fernando na dapat regular na isinasagawa ang fogging o spraying sa mga apektadong lugar.

Plano ni Fernando na gumawa ng executive order na nag-aatas sa mga may-ari ng gusaling pang­negosyo na magsagawa ng fogging o spraying kahit isang beses sa isang buwan bilang preventive measure upang matigil ang pagkalat ng dengue na mula sa kagat ng lamok.

Hinikayat naman ni Cielito Nikki Ross Gonzales, dengue program coordinator ng PHO-PH na sundin ang enhance 4S strategies: suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok; sarili ay protektahan laban sa mga lamok; sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue; suportahan ang fogging/spraying operations kapag may banta ng outbreak.

Ipinag-utos na rin ng gobernador sa PHO-PH na magsagawa ng oryentasyon para sa mga opis­yal ng barangay, health workers at mga volunteer upang paigtingin ang pagbabantay at implementasyon ng enhance 4S strategies sa bawat barangay.

Ayon sa PHO-PH, nakapagtala ang Bulacan ng may kabuuang 2,737 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo 11, 2022 na mas mataas ng 54% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon kung saan karamihan sa naitalang kaso (40%) ay mula sa age bracket na 11-20 taong gulang.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with