^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba ng tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mawad, Davao de Oro, ayon sa pulisya kahapon.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si  Elizalde Malcampo,  punong barangay ng Barangay Kinuban, Maco, Davao de Oro.

Sa naantalang report ng Mawad Municipal Police, alas-6 ng umaga ng Martes nang maganap ang krimen matapos ihatid ng tserman ang kanyang apo sa Andili Elementary School.

Habang papauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo, dito na sinundan ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo na walang plaka hanggang sa pagsapit sa natu­rang lugar ay pinagbabaril ang opisyal.

Matapos na makitang napuruhan ang tserman, agad na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with