^

Probinsiya

2 teroristang NPA patay sa engkuwentro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 teroristang NPA patay sa engkuwentro
Kinilala ang mga napatay na sina Rey Torregosa, 24, ng Espe­ranza, Agusan del Sur; at Juliven Badbaran, ng San Luis, Agusan del Sur.
PSN/File

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan sa isang engkuwentro ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Las Nieves, Agusan del Norte.

Kinilala ang mga napatay na sina Rey Torregosa, 24, ng Espe­ranza, Agusan del Sur; at Juliven Badbaran, ng San Luis, Agusan del Sur.

Sinabi ni Army 402nd Infantry Brigade commander, Brig. Gen.Ariel Orio nangyari ang engkuwentro noong  Martes sa Sitio Little Baguio sa Barangay Consorcia.

Nagsasagawa ng military operations nang mamataan ang grupo ng mga rebelde.

Agad umanong pinaputukan ng mga rebelde na kabilang sa Platoon Sagay, SRC 3 ng North Central Mindanao Regional Committee ang mga tauhan 23rd IB hanggang sa sumiklab ang bakbakan.

Nabawi sa kanila ang isang AK 47 rifle, isang M16 rifle, isang anti-personnel mine, mga bala, mga subersibong dokumento at personal na gamit. 

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with