^

Probinsiya

Tserman utas sa ambush sa Agusan del Sur

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tserman utas sa ambush sa Agusan del Sur
Ang biktima na si Librado Juventod, 46 taong gulang, kapitan ng Brgy. Mabuhay ay idineklarang dead-on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Mabuhay, Bayugan City, Agusan del Sur nitong Biyernes.

Ang biktima na si Librado Juventod, 46 taong gulang, kapitan ng Brgy. Mabuhay ay idineklarang dead-on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.

Batay sa ulat ng CARAGA Police, naganap ang insidente nitong Biyernes ng tanghali malapit sa Brgy. Hall ng Brgy. Mabuhay. Kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang biktima na bumabagtas sa kalsada pero pagsapit sa Purok 1, ng naturang barangay, may ilang hakbang lang ang layo sa waiting shed ay dito na nagsenyasan ang mga armadong salarin.

Bigla na lamang pinaputukan ng sunud-sunod ng mga suspek ang biktima saka sila mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng kabisera ng lungsod.

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng Bayugan City Police ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa nasabing lugar.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad upang maaresto at mapanagot sa batas ang mga armadong salarin.

vuukle comment

CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with