^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’ sa Laguna nalambat sa P1 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na �tulak� sa Laguna nalambat sa P1 milyong shabu
Sa ulat ng CALABARZON Police, kinilala ang nasakoteng suspect na si Ronald Allan Flores na una nang isinailalim sa surveillance operations ng anti-drug ope­ratives.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P1-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa sa Siniloan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng CALABARZON Police, kinilala ang nasakoteng suspect na si Ronald Allan Flores na una nang isinailalim sa surveillance operations ng anti-drug ope­ratives.

Bandang alas-6:20 ng gabi nang isagawa ng pinagsanib na mga operatiba ng Laguna Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust operation laban kay Flores sa Brgy. Macatad ng bayang ito.

Si Flores ay inaresto sa aktong nagbebenta ng ilang sachet ng shabu sa undercover agent at ng kapkapan ay marami pang droga na nakuha mula sa kanya.

Umaabot lahat sa 11 plastic sachet ng shabu ang nakumpiska kay Flores na tumitimbang ng 150 gramo at nagkakahalaga ng P1,012,500.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with