^

Probinsiya

Police intel chief, natigok sa liga ng basketball

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang isang masayang laro ng basketball matapos magsilbing “last minute” ito sa buhay ng isang Intelligence chief ng lokal na pulisya nang biglang manikip ang dibdib sa Brgy. Poblacion, San Antonio, Quezon nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si P/Staff Sgt. Romeo Roa Lucido, Intelligence Chief ng San Antonio Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat ng CALABARZON Police, naganap ang insidente bandang alas-8:40 ng gabi sa basketball league na ginaganap sa Brgy. Poblacion ng ba­yang ito.

Sa imbestigasyon, nagpartisipa sa basketball ang nasabing opisyal pero sa kasagsagan ng laro ay bigla itong nakaramdam ng paninikip ng paghinga.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Ayon kay Dr. Peter Chua, attending physician na sumuri kay Lucido ay inatake ito sa puso at wala ng pulso nang kaniyang suriin.

Ipinaabot naman ng CALABARZON Police ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasabing intelligence chief.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with