^

Probinsiya

Fire truck ng BFP kinarnap, suspek timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 34-anyos na lalaki matapos umanong karnapin ang isang nakaparadang fire truck sa harap mismo ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bacoor City, Cavite nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Mark Daras na patuloy na inaalam pa kung miyembro ng carnapping gang siya nakaanib.

Sa ulat ng Cavite Police, nangyari ang pagtangay sa fire truck dakong alas-2:30 ng hapon sa harapan ng BFP-Bacoor office sa San Nicolas Sub-Station, Brgy. San Nicolas 3 Extension ng lungsod.

Kasalukuyan uma­nong nililinis ni Fire Officer 3 Danilo Espejo Jr., 34-anyos, miyembro ng BFP-Bacoor ang nasabing firetruck nang sumandaling iwanan niya ito para umakyat sa itaas ng kanilang tanggapan.

Gayunman, dito na sinamantala ng suspect na paandarin ang firetruck matapos namang maiwan ni Espejo ang susi ng behikulo na nakakabit pa sa susian.

Nagulantang na lamang ang naturang fire officer nang marinig ang pagharurot ng firetruck na tuluyang tinangay ng karnaper.

Agad inalerto ni Espejo ang Bacoor City Police sa pangangarnap sa firetruck kung saan agad hinabol ng pulisya hanggang sa makorner sa checkpoint sa pagdaan nito sa nasabing lungsod.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos itong arestuhin ng nagrespondeng mga elemento ng Bacoor City Police.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with