Dengue outbreak idineklara sa Zamboanga City
19 na patay, higit 2,000 kaso naitala..
MANILA, Philippines — Nagdeklara na kahapon ng dengue outbreak ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City matapos na umabot sa mahigit 2,000 ang naitalang kaso nito mula Enero hanggang Mayo 14, 2022.
Lumilitaw na sa nasabing bilang, 19 katao ang naiulat na namatay sa dengue sa lungsod.
Dahil dito, nagsagawa ng mga fogging operations ang Sanitary Division ng City Health Office sa mga lugar na may matataas ang dengue cases.
Ayon sa Department of Health-Region IX, mataas din ng dengue cases sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Isabela City sa Basilan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang city government sa mga barangay at daan-daang residente para sa mga posibleng hakbangin upang maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.
- Latest