^

Probinsiya

Madugong responde: Pulis at tandem, todas!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Madugong responde: Pulis at tandem, todas!
Halos maghiwalay na ang ulo at leeg ng biktima na kinilalang si Diomedesa Lapera Gedaro, 67-anyos, at residente ng Barangay Greenhills, San Fernando, Cebu nang makita ang kanyang duguang katawan sa naturang lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang negosyanteng lola na may dalang malaking halaga ng pera matapos gilitan sa leeg ng hinihinalang holdaper saka itinapon ang bangkay nito sa isang pampang sa San Fernando, Cebu kamakalawa ng tanghali.

Halos maghiwalay na ang ulo at leeg ng biktima na kinilalang si Diomedesa Lapera Gedaro, 67-anyos, at residente ng Barangay Greenhills, San Fernando, Cebu nang makita ang kanyang duguang katawan sa naturang lugar.

Batay sa report ng San Fernando Police, dakong alas-12 ng tanghali nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng lolo sa may pampang ilang metro ang layo sa bahay nito.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon ng pulisya na bandang alas-11:30 ng umaga noong Huwebes ay nakita pa ang biktima na naglalakad sa nasabing lugar papunta sa tindahan nito suot ang shoulder bag na may lamang malaking halaga ng pera.

Paniwala ng mga awtoridad, kilala ng biktima ang mga suspek kaya siya pinatay matapos kunin ang kanyang pera.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with