Kawani ng munisipyo dedo sa pamamaril
ROSARIO, Batangas, Philippines — Dead on the spot ang 41-anyos na empleyado ng munisipyo ng Rosario ng lalawigang ito matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa harap ng palengke, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Mark Anthony Grit, ng Brgy. Quilib at nakadestino sa Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ayon sa report, alas-5:20 ng hapon, ay nakaupo ang biktima sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa parking lot ng Rosario Municipal Public Market nang lapitan at pagbabarilin ng suspek gamit ang kalibre .45 baril.
Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Tumakas naman ang suspek na sumakay sa naghihintay na motorsiklo sa di kalayuan.
Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng kalibre 45 baril.
- Latest