^

Probinsiya

P108 milyong halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P108 milyong halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA
Ang pagwasak ay isinagawa ng PDEA kamakalawa sa Geocycle facility ng Holcim Philippines Incorporated sa Bacnotan, La Union.
STAR/File

MANILA, Philippines — Winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office I (PDEA ROI) at PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (PDEA RO-CAR) ang iba’t ibang uri ng mga ilegal na droga na tinata­yang nagkakahalaga ng P108,674,818.44.

Ang pagwasak ay isinagawa ng PDEA kamakalawa sa Geocycle facility ng Holcim Philippines Incorporated sa Bacnotan, La Union.

Ayon sa PDEA, ang naturang aktibidad ay isang joint destruction ceremony ng mga drug evidence na nakumpiska sa kanilang mga anti-drug operations at yaong mga itinurn-over ng mga otoridad matapos na ipag-utos ng hukuman ang pagsira sa mga ito.

Ayon sa PDEA, ang mga naturang drug evidence na isinailalim sa thermal destruction, ay kinabibilangan ng P29,367,939.90 para sa PDEA ROI, habang P79,306,878.54 naman ang halaga ng ilegal na droga na mula sa PDEA RO-CAR.

Ang mga ito ay binubuo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, marijuana, kush, ecstasy, liquid marijuana, at liquid shabu.

Pinuri naman ni Regional Director Ronald Allan Ricardo ang pagsusumikap ng iba’t ibang sangay ng Regional Trial Courts (RTCs) para mapabilis ang prosekusyon at disposisyon ng mga hawak nilang drug cases na nagresulta sa mabilis na pagsira sa mga ilegal na droga na hindi na kailangan bilang ebidensiya sa hukuman.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with