^

Probinsiya

P55 dagdag-sahod sa Bicol workers, inaprub

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P55 dagdag-sahod sa Bicol workers, inaprub
Inilabas ng wage board V ang Wage Order No. RBV-20 na nagbibigay ng P55 dagdag sa minimum wage ng dalawang tranches.  Unang ibibigay ang P35 dagdag-sahod sa oras na maging epektibo ang kautusan at ang kasunod na P20 naman sa Disyembre 1, 2022.
BusinessWorld / File

MANILA, Philippines — Itinaas na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board V ang minimum wage sa Bicol Region makaraang aprubahan ang P55 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Inilabas ng wage board V ang Wage Order No. RBV-20 na nagbibigay ng P55 dagdag sa minimum wage ng dalawang tranches.  Unang ibibigay ang P35 dagdag-sahod sa oras na maging epektibo ang kautusan at ang kasunod na P20 naman sa Disyembre 1, 2022.

Dahil dito, aakyat ang minimum wage sa rehiyon sa P365 kada araw sa lahat ng sektor ng paggawa.

Nabatid na noon pang Setyembre 21, 2018 ang huling pagtataas sa sahod sa Bikol.

Inaprubahan din ng Board ang Wage Order No. RBV-DW-02 na nagbibigay ng dagdag na P1,000 dagdag-sahod kada buwan sa mga ‘domestic workers’ sa mga “chartered cities” at mga “first-class” na munisipalidad at P1,500 naman sa iba pang munisipalidad. Dahil dito, tataas ang suweldo ng mga kasambahay sa rehiyon sa P4,000 kada buwan.

Mabibiyayaan ng dagdag-sahod ang P94,042 kasambahay sa rehiyon na huling nakatikim ng dagdag sa suweldo noon pang Hunyo 2017.

Ang mga dagdag sa suweldo ay resulta umano ng pagsasagawa ng “public hearings” ng wage board noong Abril 26 sa Naga City, Camarines Sur at Abril 28 sa Legazpi City, Albay.

Ayon kay Atty. Maria Zenaida Angara-Campita, regional director ng Department Of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 5, ang panibagong wage order number 20 ng Bicol ay base pa sa ginawang konsultasyon ng RTWPB-5 mula sa mga kinatawan ng labor at employers sector.

Isinumite na ang Wage Order sa National Wages and Productivity Commission para sa kaukulang pagsusuri at magiging epektibo may P15 araw makaraang mailathala ito sa mga pahayagan na may general circulation. - Jorge Hallare

vuukle comment

WAGE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with