^

Probinsiya

3 mangingisda na-rescue sa Zambales

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
3 mangingisda na-rescue sa Zambales
Ayon sa San Antonio Public Information Office, namataan ng mangingisdang si Ruben Ramelo sina Pele­pin Baldia, Diosdado Masuanggat at Regino Llema pawang residente ng Calapacuan na nag- palutang-lutang sa dagat may 30-milya ang layo mula sa baybayin ng Barangay San Miguel.
File

SAN ANTONIO, Zambales, Philippines — Nasagip ng kanilang kabaro ang tatlong mangingisda na palutang-lutang makaraang masira ang kanilang bangka sa karagatan na sakop ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ayon sa San Antonio Public Information Office, namataan ng mangingisdang si Ruben Ramelo sina Pele­pin Baldia, Diosdado Masuanggat at Regino Llema pawang residente ng Calapacuan na nag- palutang-lutang sa dagat may 30-milya ang layo mula sa baybayin ng Barangay San Miguel.

Nabatid na dalawang araw na nagpalutang-lutang ang tatlo sa dagat nang masira ang una­hang bahagi ng kanilang bangka dahil sa hampas ng  malalakas na alon.

Sa kagustuhang ma­buhay, kumapit ang mga mangingisda sa nakalutang na bahagi ng bangka hanggang sa matagpuan sila at masagip ni Ramelo.

Nagpasalamat naman ang tatlo sa kabaro nilang mangingisda na nagligtas sa kanilang buhay.

Kamakalawa ng hapon ay nakauwi na sa kani-kanilang pamil­ya ang tatlong mangi­ngisda.

vuukle comment

RESCUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with