^

Probinsiya

Jeep nag-dive sa 50-metrong bangin: 5 pasahero himalang nabuhay

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Limang pasahero ang himalang nabuhay matapos magtamo lang ng sugat nang mag-dive ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa may 50-metrong lalim na bangin sa Brgy. Tuding, Itogon, Benguet kahapon.

Sa ulat ng Itogon Police, kinilala ang mga sugatan na sina Rommel Apilado, 36, jeep driver; Jeremy Tomas, 24; Lefty Laoyan, 22; Joven Apilado, 28; at Armando Apilado, 54;  pawang taga-Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang bumabagtas sa naturang lugar ang jeep na minamaneho ni Apilado nang mawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa bangin.

Nabatid na ang pampasaherong jeep ay patu­ngong Baguio Gold Proper sa Tuding, nang mag-dive sa nasabing malalim na bangin.

Agad na rumesponde ang mga rescuers at matagumpay na naiahon ang mga sugatang pasahero at driver saka mabilis na isinugod sa ospital.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with