1,425 ‘wanted’ timbog sa Western Visayas
MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,425 wanted persons na may mga standing warrant of arrests ang nasakote sa serye ng operasyon ng mga awtoridad sa Western Visayas Region sa first quarter ng taong 2022, ayon sa opisyal kahapon.
Sa report ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Brig. Gen. Flynn Dongbo, sa kabuuang 1,425 mga wanted persons, 253 dito ay nasa klasipikasyon ng Most Wanted Persons (MWPs) at nasa 1,172 naman ang OWPs (Other Wanted Persons).
Sa 253 nasakoteng MWPs, ang Negros Occidental ang may pinakamataas na bilang ng mga nadakip na nasa 85; pangalawa ang Iloilo, 46; Bacolod City, 44; Iloilo City, 23; Antique, 19; Capiz, 14; Aklan, 11; Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 6 (CIDG-RFU 6), 9; at Guimaras, 2.
Ayon sa opisyal nasa 1,172 namang OWPs ang nasakote kung saan pinakamarami sa Negros Occidental na nasa 602; Iloilo Province, 183; Bacolod City, 104; Aklan, 67; Capiz, 57; CIDG-RFU6-46; Iloilo City, 42; Antique, 36, at Guimaras, 35.
Inihayag ni Dongbo ang nasabing mga accomplishments ay sa tulong ng mahigpit na koordinasyon ng komunidad sa pulisya na nagbigay ng impormasyon sa nasabing mga tinutugis na wanted sa batas.
- Latest