^

Probinsiya

Grade 7 student niratrat na, ginilitan pa sa Pangasinan

Eva Visperas - Pilipino Star Ngayon

CALASIAO, Pangasinan, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang Grade 7 student matapos na pagbabarilin ng anim na suspek ay ginilitan pa sa harap ng kanyang tiyuhin na naganap sa harapan ng barangay hall sa Nagsaing ng bayang ito kamakalawa.

Hindi muna tinukoy­ ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 15- anyos na binatilyo, residente ng Nagsaing Centro sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Calasiao Police, habang naglala­kad ang biktima sa kalsada bandang alas-9:20 ng umaga kasama ang kanyang tiyo na si Willie Saplan nang biglang dumating ang anim na lalaki sakay ng apat na motorsklo at agad silang pinalibutan.

Isa sa mga suspek ang biglang bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. Isa pang suspek ang nag­labas naman ng patalim at mabilis na ginilitan sa leeg ang binatilyo saka mabilis silang nagsitakas sa lugar.

Narekober ng mga rumespodeng pulis sa lugar ang anim na basyo caliber. 45.

Patuloy ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya at koordi­nasyon upang makakuha ng posibleng CCTV footages sa lugar na dinaanan ng mga suspek sa kanilang pagtakas habang ina­alam din ang motibo sa malagim na krimen.

vuukle comment

CALASIAO POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with