^

Probinsiya

Mag-utol itinumba ng tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang mag-utol na lalaki kamakalawa ng umaga sa bayan ng Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao.

Dead-on-the-spot ang magkapatid na sina Jaafar Guiamad, 32-anyos at Nadjeer Abdulgani Guiamad, 16, at kapwa residente ng Sitio Lamakan, Barangay Sapalan ng nasabing bayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon  na naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga sa national highway na sakop ng Barangay Bugawas ng nasabing bayan.

Sakay ang magkapatid ng motorsiklo nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga armadong suspek na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Nakuha sa crime scene  ang mga basyo ng M16 rifle. Isa naman sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ay posibleng rido o clan war.

Samantala, hinimok ni Lt. Colonel Asser Balindong, hepe ng DOS Police, ang publiko na suportahan ang kampanya ng pulisya laban sa mga loose firearms at gunmen sa kanilang komunidad para matigil ang sunud-sunod na patayan sa kanilang lugar.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with