^

Probinsiya

7 sasakyan inararo ng truck: Pulis, 7 pa sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
7 sasakyan inararo ng truck: Pulis, 7 pa sugatan
Kinilala ng Ilagan City Police ang dalawa sa walong biktima, na nagtamo ng malubhang sugat ay kinilalang sina Zandra Gail Fernandez, traffic enforcer, at si Jess Erasquin, 58, isang Pastor at residente ng Brgy. Guinatan sa nabanggit na lungsod.
Graphic by Philstar/John Villamayor

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Walong katao ang sugatan kabilang ang isang traffic enforcer, pastor, pulis at mga sundalo nang araruhin ng isang trailer trak ang pitong sasakyan sa bahagi ng Barangay Baligatan, Ilagan City sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Ilagan City Police ang dalawa sa walong biktima, na nagtamo ng malubhang sugat ay kinilalang sina Zandra Gail Fernandez, traffic enforcer, at si Jess Erasquin, 58, isang Pastor at residente ng Brgy. Guinatan sa nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang sundalo at isang pulis na sina Adonis Pareña, 39, driver ng itim na starex van; Rex Gammad, 35, driver ng puting pick-up truck (KCU 4543), residente ng Brgy. Cumu, Angadanan at kapwa miyembro ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Gamu, at ang pulis na driver ng puting Revo na si Benedicto Bacani, 42, na residente ng Brgy. Sta. Barbara, City of Ilagan.

Sugatan din ang driver ng isang pick-up na may plakang (F40208) na si Mark Kevin Gasa, 29, kawani ng DOLE Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan at residente ng Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City; ang driver ng isa pang pick-up (NCH 2460) na si Dexter Almueta, 29, ng Brgy. Rosario, Santiago City;  at Baldomero Lagua Jr., 41, isang ministro na residente ng Brgy. Osmeña, City of Ilagan na sakay naman sa minamanehong itim na kotse (BBX 716).

Napag-alaman na patungo sa timog na direksyon ang truck (CAC 1474) na nakarehistro sa isang Mark Loui Cardova at minamaneho ng suspek na si Jayson Calubana, 28, ng Brgy. Sta. Maria, Bulacan nang mawalan ng preno na naging sanhi para umagaw ng linya at araruhin ang mga kasalubong na sasakyan.

Dito na nahagip ang traffic enforcer na si Fernandez at makaladkad naman ang Sportivo na minamaneho ng Pastor na si Erasquin na kapwa nagtamo ng malubhang mga sugat.

Patuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga awtoridad para matukoy ang halaga ng pinsala sa naturang insidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with