^

Probinsiya

5-anyos ginahasa, pinatay ng adik sa Batangas

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
5-anyos ginahasa, pinatay ng adik sa Batangas
Ang bangkay ng batang biktima na hinihinalang ginahasa habang bahagyang nababalutan ng garbage bag makaraang itapon umano sa likod ng bahay ng suspek na si MCNair Villanueva (inset) sa Brgy. Wawa, Batangas City kamakalawa.
Batangas Police

Isinilid sa garbage bag, itinapon sa likod ng bahay

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Karu­mal-dumal ang sinapit ng 5-anyos na batang babae matapos matagpuang patay­ at hubo’t hubad, duguan habang nakasilid sa isang garbage bag at hinihina­lang ginahasa ng isang drug suspect sa Batangas City, kama­kalawa.

Sa report ng Batangas City Police, ang ka­­tawan ng batang biktimang si Alejandra Magpantay alyas “Aleja” ay nadiskubre habang na­kabaluktot at bahag­yang nababalutan ng itim na garbage bag sa likod ng bahay ng sus­pek na si MCNair Villa­nueva, 23, sa Brgy. Wawa, Batangas City noong Sabado.

Si Villanueva ay sina­sabing nalulong sa droga at dati nang may drug case.

Ayon kay Police Captain Richard De Guzman, city chief investigator, ma­a­aring ginahasa muna ng suspek ang biktima bago pinatay. Gayunman, inaantay pa nila ang re­sulta ng autopsy ng bata upang makumpirma ang panghahalay at ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Bukod sa walang suot na damit, nakitaan ng pulisya ng mga sugat at pasa sa katawan ang biktima na senyales na pinahirapan ng suspek nang matagpuan. May dugo rin sa ari ng bata senyales na ginahasa ito.

Sinabi ni De Guz­man­­­ na unang humingi ng tulong ang pamilya ng bik­tima sa barangay at pulisya matapos ang pag­­kawala ng nasabing bata.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng pu­lisya, naaresto ang suspek sa kasunod na araw sa Brgy. Wawa.

Ang suspek ay dati nang dinakip ng mga awtoridad sa pagkakasangkot sa illegal drugs at nakalabas lamang sa kulungan matapos mag­hain ng “plea bargain” sa korte.

vuukle comment

BIKTIMA

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with