^

Probinsiya

Buy-bust nauwi sa shootout: Tulak todas, pulis sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust nauwi sa shootout: Tulak todas, pulis sugatan
Kinilala ang suspect na si Michael Lalusin Asis na idineklarang dead-on-arrival sa Luisiana District Hospital.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Napaslang ang isang pinaghihinalaang big-time drug pusher habang nasugatan ang isang pulis matapos na mauwi sa shootout ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. San Jose, Luisiana, Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang suspect na si Michael Lalusin Asis na idineklarang dead-on-arrival sa Luisiana District Hospital.

Patuloy namang nila­lapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang sugatang pulis na hindi muna pinangalanan ma­­karaang tamaan ng bala sa kanan at kali­wang­ tuhod.

Sa ulat ng Laguna Police, bandang alas-3 ng hapon nang maganap ang shootout sa pagitan ng mga pulis at drug supect sa Brgy. San Jose, Luisiana, Laguna.

Nagsagawa umano ng anti-illegal drugs ope­ration ang mga operatiba gamit ang kanilang mga body cameras laban sa target na tulak sa nasabing lugar.

Gayunman, habang­ isinasagawa ang tran­sak­syon ay pumalag umano ang suspect na agad nagpaputok ng baril nang makatunog na under­­cover agent ang kanyang­ katransak­syon­. Naki­pagpalitan na­man ng putok ang mga pulis­ at napatay ang suspek habang minalas na mahagip ng bala ang nasabing­ pulis.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol­, tatlong piraso ng cal. 45 pistol at 25 gramo ng shabu. Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya ang mga kasamahang tulak ng napatay na suspect.

vuukle comment

PULIS

TODAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with