4 ‘holdaper’ arestado sa Pampanga joint ops CAMP
OLIVAS, Pampanga, Philippines — Apat umanong notoryus na holdaper na huling nambiktima ng isang babae ang nadakip ng pulisya sa ikinasang joint manhunt operations sa Guagua at San Simon, Pampanga, noong Sabado
Kinilala ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga naaresto na sina Rodrigo Olimpo, 37; Dino Drilon, 31; Mark Areston; at Reynaldo Mendoza.
Ayon kay Baccay, hinoldap ng mga suspek ang biktima na si Jenalyn Sarmiento sa bayan ng Guagua noong Biyernes ng gabi.
Bunsod nito, agad na nagkasa ng manhunt laban sa mga suspek ang joint operatives ng Guagua Police, Pampanga Mobile Force Company at Criminal Investigation and Detection Unit-3.
Bunsod nito, matagumpay na nadakip ng mga operatiba sina Olimpo at Drilon sa San Pablo, San Simon habang sina Areston at Mendoza ay natunton sa Barangay Tinejero, Bacolor.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang .45 caliber pistols, isang caliber .38 revolver, isang itim na Honda TMX, isang hand grenade, magnum .22 revolver, cash at alahas na nagkakahalaga lahat sa P635,000.
- Latest