^

Probinsiya

Tamad na anak, utas sa saksak ng tatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tamad na anak, utas sa saksak ng tatay
Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Edrian Quejano, habang naaresto naman ang kanyang ama na si Arnold, 46, isang balut vendor na nahaharap sa kasong parricide.
STAR/ File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 19-anyos na binata makaraang pagsasaksakin ng sariling ama kasunod ng paninita ng huli sa kata­maran ng anak kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Barangay Balubal ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Edrian Quejano, habang naaresto naman ang kanyang ama na si Arnold, 46, isang balut vendor na nahaharap sa kasong parricide.

Ayon kay P/Lt. Col. William Angway, chief of police dito, bandang alas-6:30 ng gabi ay pinagalitan ng ama ang anak dahil sa pagiging tamad at hindi nito pagtulong sa mga gawaing bahay.

Imbes na tumalima, nakipagsa­gutan pa umano ang biktima sa kan­yang ama hanggang sa magpasya na lamang ang nakatatandang Quejano na umalis ng kanilang bahay at magtinda ng balut. Gayunman, sinundan pa siya ng anak saka pinagsusuntok kaya nagdilim na ang kanyang paningin at kumuha ng gulok saka pinagsasaksak ang anak.

Nagawa pa ng suspek na isugod sa ospital ang duguang anak subalit namatay din kinalaunan.

vuukle comment

EDRIAN QUEJANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with