Person of interest’ sa rape-slay ng 19-anyos sa Palawan, tukoy na
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Isang “person of interest” sa panggagahasa at brutal na pagpatay sa isang 19-anyos na babae ang hawak na ng pulisya at sumasailalim ngayon sa imbestigasyon sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon kay P/Major Loreto Maulion, Mimaropa Police spokesperson, lumalabas sa pagsusuri sa katawan ng biktimang si Beverlyn Ampan na ang sanhi ng pagkamatay nito ay “Asphyxiation Secondary Strangulation” habang nakumpirmang ginahasa rin siya ng di kilala suspek matapos lumabas na positibo ito sa “spermatozoa”.
“We have now a person of interest, however, we can not divulged the details and perpetrator of the crime is remain identify yet since the investigation was ongoing,” ani Maulion.
Magugunita na nadiskubre ng isang residente si Ampan habang patay at hubo’t hubad na nakahandusay sa damuhan sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City, noong Sabado ng alas-7 ng umaga.
Huling nakita ang biktima sa bus terminal upang makipagkita umano sa isang tao at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan.
- Latest