^

Probinsiya

8 pulis-CIDG, timbog sa robbery

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang walong miyembro ng PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Angeles City kabilang ang isang police major nang pasukin at pagnakawan umano nila ang bahay ng pitong Chinese national kahapon ng madaling araw sa Brgy. Balibago, ng nasabing lungsod sa Pampanga.

Iniharap ni PNP-CIDG Director M/Gen. Albert Ignatius Ferro ang mga inaresto na sina P/Maj Ferdinand Mendoza;  P/Ssg Mark Anthony Reyes Iral; P/Ssg Sanny Ric  Alicante; P/Cpl Richmond  Francia; PCpl John Gervic Fajardo; P/Cpl Kenneth Rhei­ner Ferrer Delfin; Pat Leandro Veloso Mangale at Pat. Hermogines Rosario Jr., pawang miyembro ng Anti-Organized Crime Unit ng PNP-CIDG.

Batay sa report, nagresponde ang mga ope­ratiba ng Angeles Police katuwang ang CIDG at RFU3 personnel sa pangunguna ni P/Maj. Jonathan Mostoles sa isang tawag na pinasok ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang tauhan ng CIDG ang isang bahay sa No. 11-16 Missael St., Diamond Subd., Brgy. Balibago, Angeles City dakong ala-1 ng madaling araw.

Nang dumating ang tropa ni Mostoles, agad nilang inaresto ang mga kalalakihan na armado. Naabutan din nila ang mga nagkalat na gamit ng mga Chinese na kinabibilangan ng 12 computers para sa POGO operations.

Sa interogasyon, nalaman ng pulisya na ang mga naaresto ay pawang mga miyembro ng PNP-CIDG na nakatalaga sa AOCU. Pero paliwanag ng team leader, nagsasagawa sila ng buy-bust ope­ration sa mga baril ng mga dayuhan subalit lumitaw na hindi ito totoo dahil nakita sa sasakyan nila ang cash money na P300,000.00 at US dollar bills na pag-aari umano ng mga biktima.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with