^

Probinsiya

Lider ng criminal group, 1 pa itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lider ng criminal group, 1 pa itinumba
Minamaneho sa pathway dakong alas-3:50 ng hapon ng lider ng criminal group na si Arnel Medrano alyas “Agi”, 52, ang isang motorsiklo nang harangin ito ng mga lalaki at agad siyang pi­naulanan ng punglo. Nang mapuruhan ang biktima ay naglakad lamang ang mga suspek papatakas.
File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay ang sinasabing lider ng isang criminal group at isa pa matapos silang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin kamakalawa sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Batay sa ulat ni QPPO director P/Col. Joel Villanueva, ang ­unang insidente ay naganap sa Sitio Centro, Barangay Talisay, Tiaong, Quezon.

Minamaneho sa pathway dakong alas-3:50 ng hapon ng lider ng criminal group na si Arnel Medrano alyas “Agi”, 52, ang isang motorsiklo nang harangin ito ng mga lalaki at agad siyang pi­naulanan ng punglo. Nang mapuruhan ang biktima ay naglakad lamang ang mga suspek papatakas.

Nasa loob naman ng isang barung-barong sa Sitio Hibanga, Barangay San Isidro Candelaria, Quezon si Jeffrey Solis, 33, nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin dakong alas-9:30 ng gabi.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pagpatay sa mga biktima.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with