^

Probinsiya

P9.7 milyong puslit na sigarilyo nasabat ng Navy, 8 timbog

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon
P9.7 milyong puslit na sigarilyo nasabat ng Navy, 8 timbog
Ang kahon-kahong smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P9.7 milyon na nasabat sa isang isla sa Sulu habang sinisiyasat ng PDEA agents at sniffing dog matapos idiskarga sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboanga City noong Linggo.
Photo courtesy: NFWM

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Umiskor ang mga tauhan ng Phi­lippine Navy matapos nilang masabat ang P9.7-mil­yong halaga ng smuggled cigarettes at walong crew na lulan ng dalawang bangka malapit sa isla ng Sulu noong Sabado.

Ayon kay Rear Adm. Toribio Adaci Jr., commander ng Naval For­ces Western Mindanao (NFWM), sakay ang mga navy personnel ng Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) BA-489 at nagsasagawa ng maritime patrol patu­ngong Tawi-Tawi nang kanilang maispatan ang dalawang Jungkong-type watercraft, may 8.4 nautical miles ng Sulade Island.

Ang naharang na da­lawang bangka na may markang MB Fatima Shaina at MB Ameera, ay may sakay na tig-4 na crew at 278 master cases ng ibat’t ibang uri ng puslit na sigarilyo.

 Nakilala ang mga nadakip na sina Abdulhain Abdurahim, Sharif Jinnol, Ajal Frede Sali, Mudjasam Salahuddin, Rasul Kulayan, Eddie Mustala Albasir, Alkam Abdurajik Lajid, at Ridzmar Tapdi Kalim, na karamihan ay residente sa bayan ng Indanan sa Sulu.

Sinabi ng opisyal na iniskortan na ng MPAC-B489 ng Navy ang dalawang bangka at mga crew patungong Zamboanga City at dumating nitong Linggo sa Naval Station Romulo Espaldon kung saan binigyan ng medical check-up ang mga dinakip sa Camp Navarro General Hospital.

Sa ginawang joint inspection at inventory ng Navy, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Customs (BOC) sa mga nasabat na sigaril­yo, lumalabas na nagkakahalaga ang mga ito ng P9,730,000.

vuukle comment

CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with