^

Probinsiya

Team leader ng BFP, tigok sa sunog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay , Philippines — Patay sa sunog ang team leader ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ba­yang ito matapos atakihin sa puso habang pilit inaapula ang sunog ng isang gusali sa Brgy. Ubaliw ng bayang ito kahapon ng hapon.

Bayani kung ituring ngayon sa bayan ang biktimang si Senior Fire Officer 1 Ramon Qiuapon Jr., kasapi ng BFP-Polangui dahil sa kanyang pagkasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, sumiklab ang sunog sa gusali ng JP Liao Trading na pag-aari ni Letecia Lo.

Agad rumesponde ang pamatay sunog ng bayan sa pangunguna ni SFO1 Qiuapon kung saan sumunod na dumating ang mga fire trucks mula sa Libon, Ligao at Oas dahil sa itinaas na ang alerto ng sunog. Gayunman, habang nasa kainitan ng pagsugpo sa apoy ay biglang inatake sa puso ang biktima dahilan ng tuluyang pagkasawi nito.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with