^

Probinsiya

4 mag-aama na wanted sa murder, nalambat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 mag-aama na wanted sa murder, nalambat
Kinilala ang mga naarestong suspek na mag-aamang sina Elesor Gamgam, 59-anyos; mga anak nitong sina Jomar Gamgam, 21, estudyante; Eleser Gamgam, 36; pawang nasakote sa Sitio Canomay, Brgy. Tagpu, Mandaon, Masbate dakong alas-9:30 ng umaga noong Huwebes.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos ang limang taong pagtatago sa batas, nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang apat na miyembro ng isang pamilya na wanted sa kasong murder at frustrated murder sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Masbate, ayon sa isang opisyal kahapon.

Kinilala ang mga naarestong suspek na mag-aamang sina Elesor Gamgam, 59-anyos; mga anak nitong sina Jomar Gamgam, 21, estudyante; Eleser Gamgam, 36; pawang nasakote sa Sitio Canomay, Brgy. Tagpu, Mandaon, Masbate dakong alas-9:30 ng umaga noong Huwebes.

Ang ikaapat na suspect na nakilala namang si Jovert Gamgam ay sumunod na nabitag bandang alas-5 ng hapon kamakalawa sa Brgy. Maolingan, Mandaon ng nasabing lalawigan.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) V director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang mag-aamang suspect ay nasakote ng 1st Masbate Provincial Mobile Force Company (PMFC) at tracker team ng Masbate Provincial Police Office (PPO) kaugnay ng kasong murder na walang nakalaang piyansa at frustrated murder na may P200,000 piyansa base sa inisyung warrant of arrest ni Presiding Judge Flor Tambago-Logarta ng Regional Trial Court (RTC) Branch 44, 5th Judicial Region ng Masbate City.

Sa rekord ng pulisya, ang mag-aama ay sangkot sa pagpatay at sa bigo pang pamamaslang sa kanilang kapitbahay kung saan matapos ang krimen ay nagtago sa batas sa loob ng limang taon hanggang sa masakote.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with