^

Probinsiya

Lady rider itinumba ng berdugo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang babaeng motorcycle rider makaraang pagbabarilin ng nag-iisang berdugo kamakalawa ng gabi sa Sitio Kalye Onse, Barangay Sta. Catalina Norte ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng walong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Analyn Sarmiento, 42, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6:40 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang isang Rusi motorcycle patungo sa kanyang bahay nang parahin ito ng hindi nakikilalang lalaki.

Nang bahagyang huminto ang biktima ay doon na siya pinaulanan ng punglo ng salarin saka mabilis na tumakbo patakas.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.

vuukle comment

CATALINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with