^

Probinsiya

Hepe ng Police Intel, utas sa sariling boga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng Police Intel, utas sa sariling boga
Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi habang nag-aayos ang opisyal ng kanyang mga kagamitan at uniporme sa loob mismo ng kanilang kuwarto nang biglang nakarinig ng putok ng baril ang asawa nito.
STAR/File

MOBO, Masbate, Philippines — Hindi na uma­bot nang buhay ang hepe mismo ng Masbate Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit na isang lieutenant colonel matapos na hinihinalang mabaril ang sarili sa loob ng kanilang kuwarto sa Purok Bliss, Brgy. Umabay Exterior sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng punglo sa tiyan ang agarang ikinasawi ni P/Lt. Col. Steve Dela Rosa, 39-anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi habang nag-aayos ang opisyal ng kanyang mga kagamitan at uniporme sa loob mismo ng kanilang kuwarto nang biglang nakarinig ng putok ng baril ang asawa nito.

Agad na tinungo ng misis ang kani­lang kuwarto at dito bumulaga sa kanya ang duguang mister.

Gamit ang motorsiklo ay mabilis na iniangkas ang duguang biktima ng isa sa kaanak para isugod sa pagamutan kung saan nasalubong nila sa kalsada ang patrol car ng rumespondeng pulis at dinala ang opisyal sa Masbate Medical Mission Group Hospital Service Cooperative pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with