^

Probinsiya

Jeep nag-dive sa ilog: 1 dedo, 5 sugatan  

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Isang babae ang patay habang lima pa ang nasugatan matapos na mahulog sa bangin at tuluy-tuloy nag-dive sa ilog ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep­­ney sa Luba, Abra kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Luba Police, ang biktima na kini­lalang si Dey-ann del Rosario Biyernes, 23-an­yos ng Barangay Supo, Tubo, Abra ay idineklarang dead-on-arrival sa Rural Health Unit (RHU) sa Luba.

Matapos mabigyan ng first aid ay dinala rin sa RHU para ma­la­­­patan ng lunas ang mga nasugatan na sina Pixie-Ann del Rosario Biernes, 20, ng Supo, Tubo, Abra; Alberto Dogayan, 61, ng Brgy. Tiempo, Tubo; March Annaban Baltazar, 59, ng Brgy. Mayabo, Tubo; Joe Bonggayan Kanor, 48, ng Mayabo, Tubo at ang driver na si Oliver Apangwen Wilan, 39, ng nasabi ring bayan.

Ayon sa mga awtoridad, habang bumabagtas ang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Wilan sa Luba-Manabo Road sa Sitio Mapait, Barangay Poblacion, nang biglang parating ang isang sasakyan sa kasalungat na direk­syon dakong alas-6 ng umaga.

Sinubukan umano ng jeep na bigyan ng daan ang nasabing sasakyan subalit nawalan ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa bangin at una ang bubong na nag-dive sa ilog na maraming bato.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with