^

Probinsiya

Lady trader, patay sa ambush sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady trader, patay sa ambush sa Rizal
Ang biktima ay na­kilalang si Camille Ca­macho, nasa hustong gulang, habang tumakas ang dalawang armadong lalaki matapos ang isinagawang pagpatay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang babaeng negosyante ang patay nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang salarin habang sakay ng kanyang behikulo sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Ang biktima ay na­kilalang si Camille Ca­macho, nasa hustong gulang, habang tumakas ang dalawang armadong lalaki matapos ang isinagawang pagpatay.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-7:40 ng umaga nang maganap ang pananambang sa M. H. del Pilar St., Geronimo, Brgy. San Rafael ng nasabing bayan.

Minamaneho umano ng biktima ang isang Toyota Hilux, na may plakang MDC-8711, at binabagtas ang natu­rang lugar nang bigla na lang sumulpot ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Agad na pinaulanan­ ng bala ng mga salarin ang biktima na nag­resulta sa kanyang agarang kamatayan saka sila tumakas sa hindi mabatid na direksyon.

Masusi nang iniim­bestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.

vuukle comment

CAMILLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with