^

Probinsiya

90 maingay na tambutso, winasak

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
90 maingay na tambutso, winasak
Si Hermosa, Bataan Mayor Jopet Inton habang winawasak ang mga nakumpiskang tambutso ng mga sasakyan dahilan sa maiingay sa lansangan.
Jojo Perez

HERMOSA, Bataan, Philippines — Winasak ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang 90 na piraso ng maiingay na tambutso ng motorsiklo na nakumpiska sa mga motorista kamakalawa ng umaga.

Alinsunod sa Republic Act 4136 Chapter 4 Section J at sa bisa ng isang Municipal Ordinance ay mahigpit na ipinagbabawal ang mga modified muffler o maingay na tambutso ng motorsiklo at ibang sa­sakyan.

Sa pamamagitan ng isang maso, pinangunahan ni Hermosa, Bataan Mayor Antonio Joseph “Jopet” Inton na sirain ang mga nakumpiskang modified muffler.

Binalaan naman ng alkalde ang iba na gumagamit pa rin ng mga tambutso na maiingay at bumubuga ng maitim na usok na may karampatang parusa na kakaharapin dahil sa paglabag sa batas.

Panawagan ng mayor sa publiko­ na sa sinumang lumalabag ay agad i-report o itawag sa numerong 09487676327.

vuukle comment

HERMOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with