^

Probinsiya

Panawagan sa gobyerno: Red-tagging sa mediamen, itigil na!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Nanawagan kahapon ang mga journalists at media workers sa Baguio at Benguet na itigil na ng pamahalaan ang “red-tagging” sa kanilang mga kasamahan matapos na makatanggap muli si Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc. (BCBC) president Aldwin Quitasol, correspondent ng The Tribune, ng “summon” para sa sinasabing “anti-insurgency dialogue” ng pulisya at militar.

Bunsod nito, isang nagkakaisang pahayag ang inilabas ng BCBC at National Union of Journalists Baguio-Benguet (NUJP-BB) chapter na bumabatikos sa ala-Tok­hang style ng Philippine National Police (PNP) upang malabanan at ma­puksa ang CPP-NPA na dahilan ng panggigipit naman sa mga mamamahayag na nili-link sa nasabing grupo.

“The measure aims to harass and intimidate activists. This includes members of the media, which state authorities presume (to have) links with the Communist Party of the Philippines (CPP) and the New People’s Army (NPA),” ayon sa joint statement.

Ayon kay Quitasol, nakatanggap siya ng sulat mula sa Baguio Police­ at Philippine Army para dumalo sa isa pang daya­logo bilang bahagi umano ng Community Support Program White Area Operation (CSP-WAO) ng pulisya at militar na isang “component” ng “Oplan Kapayapaan” ng gobyerno.

Nabatid na noong 2021, si Quitasol ay pina­tawag muli para sa sinasabing “dayalogo”.

“Tinanong sa akin ‘yung mga coverages namin kung nakakatanggap kami ng sulat mula sa NPA, mga statements mula sa CPP-NPA, kung paano kami nakakatanggap,” pahayag ni Qui­tasol.

Binigyang diin ni Quitasol sa mga awtoridad na ang journalists’ email accounts ng mga mamamahayag ay karaniwang pampubliko dahil gina­gamit ang mga ito sa news-gathering o panga­ngalap ng balita.

“This does not make us part of the communist-led armed rebellion,” diin nito.

vuukle comment

BAGUIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with