^

Probinsiya

4 pulis sa P2.7 milyong robbery sa trader, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 pulis sa P2.7 milyong robbery sa trader, sumuko
Batay sa report ni CARAGA Police Director P/Gen. Romeo Caramat Jr., sumuko nitong Lunes, Enero 17, sa kanilang superior sa Butuan City ang mga sangkot na pulis na sina P/Sr. Master Sgt. Ronald Laro, P/Staff Sgt. Dariel John Mozo, P/Staff Sgt. Richard Ayala at Pat Ivan Klein Osoro. Sila ay positibong tinukoy ng negosyanteng biktima na si Jasper Salude Pabilic, 35-anyos ng Purok 6 B, Poblacion, Banay Banay, Davao Oriental.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Apat na pulis sa CARAGA Region ang sumuko matapos silang matukoy sa umano’y panghoholdap ng P2.7 milyon sa isang negosyante nang matunton sa pamamagitan ng CCTV footages ang kanilang behikulong ginamit sa krimen sa Agusan del Sur nitong nakalipas na linggo.

Batay sa report ni CARAGA Police Director P/Gen. Romeo Caramat Jr., sumuko nitong Lunes, Enero 17, sa kanilang superior sa Butuan City ang mga sangkot na pulis na sina P/Sr. Master Sgt. Ronald Laro, P/Staff Sgt. Dariel John Mozo, P/Staff Sgt. Richard Ayala at Pat Ivan Klein Osoro. Sila ay positibong tinukoy ng negosyanteng biktima na si Jasper Salude Pabilic, 35-anyos ng Purok 6 B, Poblacion, Banay Banay, Davao Oriental.

Ipinag-utos naman kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang pagsibak at pagsasailalim sa restrictive custody laban sa apat na pulis-CARAGA na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

“Their restriction will also preclude any undue influence in the ongoing investigation and possible intimidation of witnesses and complainants,” ayon kay Carlos. “The investigation will give the accused policemen the opportunity to present their side and explain their actions,” dagdag nito.

Sa salaysay ni Pabilic, kasalukuyan siyang nasa loob ng Living Hope Faith Tabernacle sa Purok 5, Cogonon, Salvacion, Trento, Agusan del Sur noong Enero 14 ng hapon at nakikipagtransaksyon sa negosyo sa isang Pastor Nilo Dian hinggil sa mga Agar-Agar items nang biglang pumasok ang apat na armado na nakasuot pa ng bullet proof vest na may nakasulat na “Pulis”.

Hinoldap umano ang biktima ng apat na suspek at puwersahang kinuha ang kanilang mga cellphones, cash money na nagkakahalaga ng P2.7 milyon, mga Agar woods na mas kilala bilang Lapnisan at mga personal na kagamitan.

Noong Enero 15 ay agad namang nagpalabas ng kautusan si Caramat para tugisin ang mga suspect kung saan minobisa ang buong unit ng pulisya ng CARAGA Police sa Agusan del Sur at dito’y natukoy na ang behikulong ginamit ng mga suspek ay pag-aari ng Agusan del Sur Provincial Intelligence Unit (PIU).

Sa pamamagitan din ng CCTV footage ay positibong nakilala na lehitimong mga pulis ang mga holdaper.

vuukle comment

CARAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with