Pampanga, suspendido rin ang klase – DepEd
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, suspendido na rin ng klase sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Pampanga.
Sa inilabas na anunsiyo ng Department of Education (DepEd)-Pampanga, ang suspensiyon ng klase sa buong lalawigan ay simula Enero 17 hanggang Enero 21, 2022.
Ayon sa Schools Division Office (SDO) ng DepEd Pampanga, layunin ng suspension na mabigyan ng health break at makapagpagaling ang mga guro at mga mag-aaral sa lalawigan na dinapuan ng karamdaman ngayong may surge ng flu at COVID-19.
“Private schools, in consultation with their respective parents’ associations, may exercise their own direction relative to the suspension of classes and K to 12 learning activities when Covid-19 risks in their respective areas are high,” pahayag pa nito sa kanilang Twitter account.
Nitong Biyernes, unang nagdeklara ang DepEd-National Capital Region (NCR) ng suspensiyon ng klase sa rehiyon mula Enero 15 hanggang 22, 2022 upang mabawasan ang “health burden” na dulot ng surge ng COVID-19.
Sa panahon ng health break, lahat ng synchronous at asynchronous classes ay suspendido rin muna, habang ang pagpapasa ng lahat ng academic requirements at iba pang teaching-related activities ay dapat na ilipat sa mas matagal pang petsa.
- Latest