^

Probinsiya

Laklakan nauwi sa rambulan: 4 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Apat katao ang sugatan matapos magtamo ng mga saksak mula sa basag na bote ng alak nang mauwi sa rambulan ang isang masa­yang inuman kamakalawa ng gabi sa Imus City.

Kasalukuyan ngayong inoobserbahan ang mga biktima na nakilalang sina Kim Carlo Del Rosario, 21- anyos; John Lee Mendoza, 21; Nickole Batican, 21, at Alex, 26; pawang residente ng Brgy. Malagasang 1-D, Imus City, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Sofronio Libanan Rivera Jr, 22 anyos, residente ng B2 L43 Phase 3, Brgy. Ma­lagasang 1G, Imus City.

Sa imbestigasyon ni P/Sr. Master Sgt. Luis Divina, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang nag-iinuman ang mga biktima at suspek.

Nang nasa impluwensya na ng alak, nagkapikunan ang suspek at ang biktimang si Del Rosario na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Dumampot umano ng bote ng alak ang suspek saka binasag at isinaksak kay del Rosario.

Dito na umawat ng tatlo pang kainumang biktima subalit sila naman ang pinagbalingan ng suspek at isa-isang sinaksak ng hawak na basag na bote ng alak.

Duguang bumagsak ang apat na biktima habang mabilis na tumakas ang suspek na agad rin namang naaresto ng pulisya sa tulong ng mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar.

Itinakbo sa pagamutan ang apat na biktima na kasalukuyang ino­obserbahan ang kondis­yon sa ospital.

vuukle comment

RAMBULAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with