^

Probinsiya

2 senior na kasapi ng Anakpawis, itinumba!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BARCELONA, Sorsogon, Philippines — Kapwa dead-on-the spot ang dalawang senior citizen na kasapi umano ng militant group na Anakpawis matapos silang pagbabarilin ng apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo sa Purok-1, Sitio Badang, Brgy. San Vicente ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na kinilalang sina Silvestre Erlano Fortades, 70-anyos at kinasakama nitong si Rosemarie Anitubo Galias, 68-anyos, kapwa residente ng Brgy. Poblacion Norte, Barcelona, Sorsogon; kapwa miyembro ng Anakpawis-Sorsogon, at Samahan ng Magsasaka na local chapter ng Klisuang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang bi­nabagtas ang kahabaan ng highway ng tricycle na minamaneho ni Fortades at sakay si Galias nang sila ay abangan at harangin umano ng mga suspek.

Nang tumigil ang tricycle at bumaba ang babaeng biktima malapit sa may sari-sari store ay agad silang pinagbabaril ng mga suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa Brgy. San Vicente ang dalawang matandang biktima para mag-deli­ver umano ng mga panindang rekado gaya ng bawang at sibuyas.

Narekober ng pulisya sa crime sce ang 13 basyo ng bala ng kalibre 45.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para sa pagkakakilanlan ng mga salarin at sa motibo ng pamamaslang.

Mariing kindondena ng mga grupong Karapatan Bicol, Bayan Bikol, Defend Bicol ang pagpatay sa dalawang biktima.

vuukle comment

ANAKPAWIS

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with