^

Probinsiya

P13.6 milyong shabu nasamsam sa PDEA buy-bust, 3 timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P13.6 milyong shabu nasamsam sa PDEA buy-bust, 3 timbog
Batay sa report na pinadala sa Camp Crame, nakilala ang mga nadakip na sina Ilahan Sabdain Yahya, 48, barangay kagawad ng Brgy. Gata-Gata, Panglima Estino, Sulu; Muride Jarih Ahajan, 31; at Elwina Hamidan Unaid, 24, estudyante.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa joint operation ng mga tauhan ng Indanan Municipal Police  at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa tatlong suspek na kinabibilangan ng isang barangay kagawad sa Indanan, Sulu.

Batay sa report na pinadala sa Camp Crame, nakilala ang mga nadakip na sina Ilahan Sabdain Yahya, 48, barangay kagawad ng Brgy. Gata-Gata, Panglima Estino, Sulu; Muride Jarih Ahajan, 31; at Elwina Hamidan Unaid, 24, estudyante.

Nakuha sa mga nadakip ang tinatayang  dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000; P1,000 bill  na ginamit na buy-bust money at boodle money.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay responsable sa illegal drug ­operations sa mga karatig na bayan sa Sulu province.

“I congratulate the ­operating units for this successful operation. Ang magandang kooperasyon at koordinasyon natin ang isa sa naging daan upang masabat ang nasabing dami at halaga ng hinihinalang shabu,” ani Police Brigadier General Eden Ugale, director ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with