^

Probinsiya

Trader dedo, vendor sugatan sa ambush

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trader dedo, vendor sugatan sa ambush
Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang negosyanteng si Ruperto Mabuna, 42, may asawa na kanyang ikinasawi habang sa paa naman tinamaan si Renante Aguilar, 44, kapwa mga residente sa nasabing barangay.
STAR/File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang negosyante habang sugatan ang kasama niyang fish vendor makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Barangay Bignay 2 ng bayang ito.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang negosyanteng si Ruperto Mabuna, 42, may asawa na kanyang ikinasawi habang sa paa naman tinamaan si Renante Aguilar, 44, kapwa mga residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:20 ng gabi ay minamaneho ni Mabuna ang isang Honda TMX motorcycle at nakaangkas si Aguilar patungo sa bahay ng huli upang kumuha ng uling.

Habang binabagtas ng mga biktima ang barangay road ay pinaulanan sila ng punglo ng hindi nakikilalang suspek na nakapuwesto sa madilim na bahagi ng kalsada.

Sa pag-aakalang napuruhan nito ang dalawa ay naglakad lamang na tumakas ang salarin.

Mabilis na isinugod sa San Juan Doctors Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on the arrival si Mabuna habang inilipat naman si Aguilar sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH).

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with