^

Probinsiya

Habang patungong mosque sa Zamboanga City 2 mayor inambus: 1 patay, 1 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Habang patungong mosque sa Zamboanga City 2 mayor inambus: 1 patay, 1 sugatan
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Al-Barka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid habang inoobserbahan sa pagamutan si Akbar, Basilan Mayor Alih Awal Salih. Napatay din ang driver ni Salih na hindi pa tinukoy kahapon ng pulisya ang pangalan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang alkalde ng Basilan habang malubhang nasugatan ang kasama ring alkalde matapos silang tambangan ng apat na armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo habang patungo ang dalawang opisyal sa isang mosque sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Al-Barka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid habang inoobserbahan sa pagamutan si Akbar, Basilan Mayor Alih Awal Salih. Napatay din ang driver ni Salih na hindi pa tinukoy kahapon ng pulisya ang pangalan.

Bunsod nito, mariing kinondena ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang nangyaring pananambang sa dalawang alkalde.

“I strongly condemn the killing of Albarka Mayor Darussalam Lajid early morning today at the Baliwasan Seaside, Zamboanga City. The incident also left Akbar Mayor Alih Salih and two security escorts wounded,” pahayag ni Hataman kahapon.

Ayon kay Hataman, bandang alas-8:31 ng umaga habang naglalakad ang dalawang alkalde patungo sa mosque kasama ang driver ni Salih at isa pang escort sa bahagi ng Baliwasan seaside nang paulanan umano sila ng bala ng apat na motorcycle riding gunmen na armado ng cal. 45 pistol sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Si Lajid ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan habang patuloy na nilalapatan ng lunas si Salih at isa pang security escort habang binawian din ng buhay sa insidente ang nasabing driver.

“This violent crime has no place in a society that is deeply anchored on peace and a shared faith. I condemn the people behind the shooting, and I call on the authorities to thoroughly investigate the murder of a public official and the wounding of another,” ayon kay Hataman.

Sinabi ni Hataman na bagama’t hindi sila magkasama sa partido sa pulitika ay pare-pareho silang mga Basileño nina Mayor Lajid at Salih na naghahangad ng mabuti para sa kanilang lalawigan at mga kababayan.

Hinala naman ng mga kaanak ng dalawang alkalde, konektado sa pulitika ang motibo sa pamamaril. - Joy Cantos

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with