^

Probinsiya

Misis huli sa akto ni mister, Grab driver katalik sa kuwarto

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kapwa ngayon humihimas ng rehas ng kulungan ang isang misis at kalaguyo umano nitong Grab driver makaraang mahuli sa akto ng mister ng una habang nagtatalik umano ang dalawa sa loob mismo ng kanilang tahanan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Molino 3, lungsod ng Bacoor.

Sa ulat ng pulisya, nahaharap sa kasong adultery ang ginang na si Ma. Christina Apego, 30-anyos, isang process associate, residente ng Block 3 Lot 22 Springfield Subdivision, Brgy. Molino 3, Bacoor City at lover umano nitong si Manuel Punzalan, 36 anyos ng Block 3 Lot 7 Springfield Subdivision, Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Sa pahayag ng biktimang si Lester John Apego, 34-anyos, kay P/Staff Sgt. Marvin Rae Calaor, alas-3 ng madaling araw nang palihim siyang umuwi ng kanilang bahay at nagdire-diretso sa kuwarto nilang mag-asawa.

Pagbukas umano nito ng pintuan ng kuwarto ay bumulaga sa kanya ang kababuyang ginagawa ng kaniyang misis at suspek na magkasiping sa mismong kama nila.

Bunsod nito, agad na humingi ng tulong ang mister sa pulisya at ipinaaresto ang misis at kalaguyo umano nito.

Ayon pa sa mister, matagal na umano siyang nagdududa sa kanyang misis na may ginagawang kalokohan kaya sinadya niyang umuwi nang palihim upang mahuli sa aktong nagtataksil.

vuukle comment

KALAGUYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with