^

Probinsiya

Police colonel patay sa family outing

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Police colonel patay sa family outing
Kinilala ang biktima na si P/Col. Francisco Dungo, 54, nakatalaga sa PNP National Headquarters at residente ng Libertad, Butuan City.

MANILA, Philippines — Isang colonel ng Philippine National Police (PNP) ang patay nang tangayin ng malakas na alon at lamunin ng tubig habang nagsu-swimming kasama ang kanyang pamilya at ilang kasamahan sa Simbahan sa isang beach sa Marihatag, Surigao Del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si P/Col. Francisco Dungo, 54, nakatalaga sa PNP National Headquarters at residente ng Libertad, Butuan City.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa pamilya ng nasabing opisyal.

“The PNP is saddened by the untimely demise of Police Col. Dungo, a hardworking officer to a full-time career in the police service,” ani Carlos.

Ayon kay Carlos, naganap ang insidente sa karagatang sakop ng Purok Mutya, Barangay Arorogan ng nasabing bayan na katapat umano ng isang family-owned beach resort.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Marihatag Municipal Police na habang lumala­ngoy sa malalim na bahagi ng tubig ang biktima kasama ang pamilya at mga mi­yembro ng Simbahan nang biglang lumakas ang alon at natangay siya hanggang sa lumubog.

Agad namang sumaklolo ang mga local surfers at narekober ang biktima na  agad binigyan ng CPR o unang palunas bago itinakbo sa pagamutan.

Dakong alas-9:28 ng umaga nang idineklarang patay ang opisyal sanhi ng “asphyxia secondary to drowning.”

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with