^

Probinsiya

‘Plastic palit bigas’ inilunsad sa Pagbilao

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
�Plastic palit bigas� inilunsad sa Pagbilao

PAGBILAO, ­Quezon, Philippines — Inilunsad ng pamahalaang bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang programang “plastic palit bigas.”

Layunin ng natu­rang programa na itaas ang kamalayan sa wastong pamamahala ng “solid waste” at kung paano ito makatutulong sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ang isang kilong plastic (gaya ng balat ng shampoo, sabon, sitsirya at iba pang kauri nito) ay maaa­ring ipagpalit sa isang kilong bigas. 

Hindi naman maaa­ring ipagpalit ang mga sando bag, transparent na plastic at matitigas na plastic gaya naman ng mga laruan, crates at iba pa na kagaya nito.

Ang bawat barangay ay may nakalaang apat na sakong bigas o 200 kilograms, at limitado naman sa limang kilo ang maaa­ring ipagpalit sa bawat residente.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with