Higit 20K Lucenahin, nabakunahan sa 3 day National Vax Drive
December 4, 2021 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nasa 24,817 na mga Lucenahin ang nabakunahan ng covid-19 vaccine sa isinagawang Three-day National Vaccination Activity ‘Bayanihan Bakanuhan’,Lucena City, Quezon.
Sa unang araw ng programa, aabot sa humigit kumulang na 7,800 na indibidwal ang naturukan ng naturang bakuna samantalang aabot naman sa mahigit 7,000 sa ikalawang araw.
Pumalo naman sa mahigit 10,000 ang nakatanggap ng bakuna sa huling araw ng ‘Bayanihan Bakunahan’ sa lungsod na siyang nagbigay daan sa nabanggit na kabuuang bilang.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended