^

Probinsiya

P3 milyong shabu nasamsam sa Clark

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

SUBIC FREEPORT, Pampanga, Philippines — Tinata­yang aabot sa P 3 milyon halaga ng pinanininwalaang shabu ang nasabat ng Clark authorities sa isang lalaki na nakalagay sa kanyang bagahe mula sa Strand, South Africa.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) Port of Clark na inaresto ang nasabing lalaki na hindi muna pinangalanan na residente ng  Hermosa, Bataan.

Sinabi ng BOC Clark na ang operasyon ay resulta ng natanggap nilang impormasyon noong Nobyembre 30 na may isang lalaki na magpupuslit ng shabu na nakalagay sa traveling bag pagdating sa Port of Clark.

Agad na naki­pagkoordinasyon ang BOC personnel sa  Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Enforcement Security Service (ESS), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at ­operator ng  warehouse sa Clark.

Nang duma­ting ang shipment, ay idineklara na ang laman ay mga damit,subalit nang isai­lalim sa X-Ray scanning at K9 sweeping ay nadiskubre na naglalaman ng illegal drugs na nakalagay sa mga tasa,figurines, damit, tsinelas at brown pouch.

Tumitimbang ang nakumpiskang shabu na 470 gramo,inihahanda ang kaso laban sa suspek na hindi muna pinangalanan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with