^

Probinsiya

Bocaue at Balagtas Stations ng PNR Clark Phase 1, ininspeksyon ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bocaue at Balagtas Stations ng PNR Clark Phase 1, ininspeksyon ng DOTr
PNR Clark Phase 1, which runs from Tutuban in Manila to Malolos in Bulacan, is expected to be partially operational by the fourth quarter of this year.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagtungo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Bulacan ka­hapon upang inspek­syunin ang Bocaue at Balagtas Stations ng Philippine National Rail­ways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).

Ayon kay Tugade, nais niyang matiyak na right on track at pasok sa timeline ang kons­truksiyon ng naturang proyekto.

Nabatid na sa kasalukuyan ay 90% nang kumpleto ang Balagtas­ Station, habang 23.90% naman ang physical overall progress ng Bocaue Station.

Ang PNR Clark Phase 1 ay parte ng North-South Commuter Railway.

Mayroon itong 10 istasyon na babagtas sa mga lungsod ng May­nila, Caloocan, at Valen­zuela, gayundin sa mga munisipalidad ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos City.

Ani Tugade, sa san­­daling makumpleto ang nasabing Tutuban-Ma­lolos rail line ay nasa 300,000 na bilang ng pa­sa­hero ang makikinabang dito araw-araw.

Inaasahang magiging­ 30 minuto na lamang ang biyahe mula Malolos City, Bulacan patungong Tutuban sa Manila mula sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto.

Una nang dumating sa bansa ang unang 8-car train set ng PNR Clark segment ng massive PNR North South Commuter Railway (NSCR), at nakatakda na itong ideliber sa ka­nilang Malanday Depot ngayong Disyembre.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with