^

Probinsiya

BBM-Sara UniTeam ratsada sa Calabarzon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rumatsada na ang sortie nina UniTeam presidential candidate Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. at running mate na si Davao City Mayor Inday Sara Du­terte sa Calabarzon ka­hapon.

Nitong Miyerkules, sinimulan ng UniTeam tandem nina Marcos at Duterte ang paglilibot sa lalawigan ng Quezon kung saan pinapurihan nila ang mga lider ng kabataan sa kanilang ak­tibong pakikilahok sa mga pangunahing isyu sa bansa.

Tatlong lugar sa lala­wigan ng Quezon ang binisita ng BBM-Sara tandem partikular na sa Lu­cena City habang­ nga­yong Huwebes ay maglilibot sila sa Batangas.

Nagbigay rin sina BBM at Sara ng mensahe sa Green Army Youth Orientation Forum sa Queen Margarette Hotel sa Lucena City na pinuri ang magandang ugnayan ng sektor ng kabataan at ng Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan ni Quezon Rep. Jayjay Suarez na ipinaliwanag na malaki ang tulong ng mga kabataan sa nation-building.

Sinabi ni Duterte na ang aktibong partisipas­yon ng henerasyon ng mga kabataan ay ma­kakatulong sa positibong pag-aayos ng buhay ng mga ito para sa tunay at pangmatagalang pro­greso.

Tinukoy ni Duterte, vice presidential candidate ng Lakas-CMD ang mga kaso ng illegal na droga, pagbubuntis ng mga tinedyer, AIDS at epekto ng climate change, bullying  at ka­lusugang pangkaisipan ang mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa sektor ng kabataan.

Nagbigay rin ng mensahe ng pagkakaisa sina Marcos, standard bearer ng Partido Fe­deral ng Pilipinas (PFP) at Duterte sa Samahan ng Bisaya sa Dalahican­ (Sabida) sa pangu­nguna ng kanilang Pa­­ngulo na si Antonio Mon­terola.

Samantala, ipinaki­lala ni Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez si Duterte sa mga tao sa nasabing event. Nagbigay naman ng mensahe nang malugod na pagtanggap sa nasabing political rally si Quezon Gov. Danilo Suarez sa Lucena City Convention Center.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with