^

Probinsiya

Manugang naburyong, 66-anyos biyenan kinatay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Manugang naburyong, 66-anyos biyenan kinatay!
Tadtad ng saksak at hindi na naisalba pa sa pagamutan ang buhay ng matandang biktima na nakilalang si Lilia ­Nietes, ng #591 Saturn St., NAIA Road, Parañaque City.
STAR/ File

Suspek nang-hostage pa ng kapitbahay

CAVITE , Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 66-anyos na lola matapos katayin ng nabur­yong na call center agent na manugang makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo saka nang-hostage pa ng mga kapitbahay sa Brgy. Toclong, Kawit, dito sa lalawigan kamakalawa ng hapon.

Tadtad ng saksak at hindi na naisalba pa sa pagamutan ang buhay ng matandang biktima na nakilalang si Lilia ­Nietes, ng #591 Saturn St., NAIA Road, Parañaque City.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa ospital ang suspek matapos mabaril ng rumespondeng pulis na nakilalang si Jeffrey Jun Socao, 41-anyos, at residente ng Boston Heights, Toclong, Kawit, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/CMS Roldan Re­quioma ng Kawit Police, alas-2:00 ng hapon nang sermunan ng biyenan ang kanyang manugang hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo sa hindi pa mabatid na dahilan.

Dito, nairita umano ang suspek at tila nawala sa sarili hanggang sa dumampot ng patalim at sunud-sunod na ­inundayan ng saksak ang matandang biyenan.

Matapos ito, nagtatakbo palabas ng bahay ang suspek bitbit ang patalim at pumasok siya sa isang tindahan ng kapitbahay saka hinostage ang mga tao sa loob nito.

Pagdating ng pulisya, kinausap nila ang suspek na sumuko na lamang subalit dito na lalong nagwala at tinangka nitong saksakin ang mga tao sa loob ng tindahan dahilan upang barilin ng mga pulis.

Nang bumulagta ang suspek, agad na itinakbo sa Ospital ng Imus para malapatan ng lunas.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with